Tuesday, February 2, 2016

Blangko

Nakatingin sa kawalan
Nag aabang sa kung darating
Nababaliw sa isang pangako
Hanggang kailan ba mapapasaakin ito

Nagdadasal ng taimtin
Pagbabalik mo ang Hinihiling
Kasabay ng luhang tumutulo
Pait ng sakit , sama ng loob , nakakalumo..

Para akong papel na puti
Na walang nilalaman kundi pighati
Blangkong letra sa gitna
Mahirap maisulat ang nadarama

Mahirap kumalma
Tinanong nila bakit ikaw pa
Sa dinami dami ng panaghoy
Pagasang babalik ka sana matuloy



No comments:

Post a Comment