Sunday, February 8, 2015

Pangarap

Ako'y napapa-rap
Naghahanap
Naghahabol ng tapat
San ba aabot ang pangarap

Simula pa ng ako'y natuto
Makinig sa kapitbahay ng radyo
Mga bitawang salitang may tono
Napapa indak at unti unting nabubuo

Mga letra na lumalabas sa bibig
Mga idolong makata galing sa tubig
Nagpapa takbo sa gulong ng pangarap ko
Natutuwa kapag sinusundan ang tono

Solid

Banggain mo man
Suntukin mo man
Hindi matitinag kailanman

Solid
Matibay na lubid
Sa malalim sumisisid
Kumakaway sa himapapawid

Apakan mo man
Hawakan at tangnan
Hindi matitinag saan man

Solid
Hindi kayang mapatid
Mahigpit na hatid
Agad mong mababatid

Hindi nyo kami matatakot
Kahit pa sa sang libong sundalo
Pagmamayagpag namin aabot
Sa unahan hanggang dulo

betnog

Kilala siya sa tawag na betlog
Pero mas angat ang galing ni nognog
Magkapatid pero magkaiba
Ung isa tingting isa naman mataba

Hindi mo kakayanin tipo ni betlog
Kahit ang lakas ni nognog
Pag sila nag sama may maiitlog
At tatawagin mo silang betnog

Batikan sa ibat ibang larangan
Ang magkapatid kahit sa lansangan
Hindi papatalo sa inuman
Kahit pa abutin ng umagahan

Pagpinagsama sama ang itlog
Lilitaw ang kakaibang betnog
Mainit at boplog
Boplog na maitim BETNOG