Thursday, July 31, 2014

Bahay Kubo

Bahay kubo

Bahay kubo ang nakagisnan
Sa lupang amin lang hiniram
Lupang lupa ang tapakan
Buti na lang nakaangat ang tulugan

Sinilang ako sa ganitong sitwasyon
Walang kuryente pa sa aming nayon
Gasera lamang ang tanging rasyon
Ng liwanag , nagsisilbing sulusyon

Sa aming paligid mga puno ang matatanaw
Mga dahon pag hinampas ng hangin sumasayaw
Sa gabi mga kulisap ang musika
Mga manok naman sa umaga

Naglalaro sa putikan
Mga kababata'y nag aawitan
Nang masagana at masayang kantahan
Pag sapit ng gabi deretso sa tahanan

Ulam namin walang problema
Pipitasin lang dun sa hardina
Mga gulay prutas naka handa
Mga alagang hayop kabi-kabila

Lumipas ang taon
Bakit nagka ganon
Aming pamumuhay ay nabago
Kasabay ng pagsibol ng bagong siglo

Wala na ang mga punong lilim
Mga halaman naging madilim
Naubos na ang mga pananim
Kasaganahan hindi na maatim

Pero nanatili pa rin
Bahay kubo na amin
Pati buhay hindi na rin
Sumagana , umaasa na lang kung palarin

Sa haba ng panahon
Pagbabago wala pa rin ngayon
Bahay kubo na naging saksi noon
Bahay kubo pa rin magpa sa ngayon

No comments:

Post a Comment