Nakakatakot ang mga tingin mo
Mga galaw mong nakakasindak ng dugo
Na nagpapabilis ng tibok ng puso
Halos hindi ko na alam kung san pa tatakbo
Maaari bang umiwas iwas ka naman
Ngawa mong nakaka rindi ng utak at kalamnan
Sa mga utos mong kahit ikaw walang alam
Dadaanin na lang ba sa nakaka hindik mong paramdam
Mag dadala ako ng bawang
Baka maka tulong at mabawasan
Ang hatid mong lupit na nakakagipit sa tanan
Latigo ng kamalasan na iyonh tinuturan
Manahimik ka na
Darating na ang karma
Baka mabuwal ka
Sa pagbagsak ulirat mawala
Hasik ng dala ng panaghoy
Ikaw na siyang pilit na tinataboy
Nakaka sawa makita ang iyong anino
Nakaka tataas ng likido
Nawa ay mawala sa parisukat na kahon
At ng matahimik at magkaron ng pagkakataon
Makahinga sa gitna ng panaghoy
Mabuhay ng tapat at tiwasay na tunay.
No comments:
Post a Comment