Tuesday, July 22, 2014

Sa Uulitin

May sasabihin ka ba
Matamlay ka kanina pa
Mga mata namumula
Umiiyak ka na pala

Nag sindi ka ng yosi
Pinilit mong mag tagal kahit sandali
Sa orasan naka tingin kunwari
Ayaw naman paawat pasubali

Alas 3 na ng umaga
May pasok ka pa mamaya
Magtatagal pa ba
Ang paghihintay mo mula kanina

Sa uulitin na lang
Kita kakausapin malamang
Sa dami ng gusto mong sabihin
Mga sagot na gusto mong alamin

Maglalakad na ako palayo
Upang pag alis ko wala na tayo
Darating din ang araw muling titibok ang puso
Papasalamat ako sana huwag na sayo

Sa uulitin na lang kita babatiin
Pag handa na ang lahat sa atin

No comments:

Post a Comment