Nakakalungkot makita ang pangyayaring darating
mga hinagpis muling dadaloy sa mga mata
mga luhang walang makakapag sabi kung saan man
papatungo ang buhay sa darating na unos sa lupa
Hampas ng hangin, nakita na ito at muling mangyayari
mga puno ay mabubuwal, puso ay mangangatal
ulan na ayaw pa awat sa bawat patak
nagngingitngit na langit saan nga ba nag kulang sa dasal
hahamunin na naman ang lakas ng puso
maglalatay ang bakat ng lungkot sa mundo
mga buhay na sadyang hindi papalarin
mga usal at panalangin sa buong gabihin
Huwag papatalo sa mga unos na darating
maaaring ito ay kabilang sa hamon ng Panginoon natin
Magpakumbaba at maging maayos sa puso at paningin
Upang may lakas sa bawat hagupit ng pagsubok sa buhay natin
No comments:
Post a Comment