Nababalisa ka na
hindi mo ba nakikita
galit na lahat sila
sa mga kapalpakan mong ginawa
Natatakot ka nang lumabas
alam mo kasi hindi makalampas
sa kanila ang sablay mo , hindi kukupas
mag ingat ka baka ikaw ay biglang madulas
Nanaginip ka na
nang kung ano ano sa iyong kama
pawis mo'y pumapatak na
sa lamig nito, pupunasan na
Naaasar ka na ba?
sa dami nila hindi mo pa kilala
pinaguusapan ka na
kala mo ok ka, un pala tae ka sa kanila
Naaamoy mo na ba?
mga bahong iyong tinudla
babalik at babalik din sayong gawa
ang mga sablay mong pinag gagawa
No comments:
Post a Comment