Sunday, July 27, 2014

Makata Eh!

Isa kang dakilang makata eh!
Nagpapasaya sa kabanata eh
Galing sa batangas ang lake eh
Sobrang galing bumigkas ng makata eh

Sa lugar kung saan sikat kang tao eh
Napapa sigaw ang mga babae eh
Sa nayon ikaw ay kakaiba eh
Iniidolo ng mga gustong maging makata eh

Iniisa isa mo ang bawat salita eh
Sobrang lalim hindi kayang arukin eh
Mapapa -ala eh ala eh
Sa tuwing babanat ka ng kataga eh

Napadpad sa manila eh
Dala dala mo ang punto eh
Pati ako nagagaya sa iyo na eh
Lintik ka kasi bumigkas nakakata eh

Sa inuman ngayon ikaw ang bida eh
Nag rarap ka pa nga eh
Mamaya maya antok antok ka na eh
Nakalimutan mo pa magbayad ng ininom natin eh

Umaga na at para kang natatae eh
Nag eenjoy ka sa hangover eh
Takte ka kasi eh
Nag yayabang ka pa eh

No comments:

Post a Comment