Habang binabaybay ang Edsa
Sa motor kong sanay na sa kalsada
Naaninagan ang kutis mong porselana
Nasilaw sa tindi ng bweltang nakakatulala
Napatitig sa tindi ng dating mo
Sa labi pa lang natutuliro
Biglang ngiti habol pasuyo
Nababaliw na ako na parang aso
Nang biglang
Pinara ako ng MMDA
Sobra daw ako sa Motorcycle lane
Penalty for sure, i will forget you that's for sure
Nais ko lamang matanaw ka muli
Sa sobrang bilis ng sinasakyan mo
Minalas nahuli pa ako
Pero ok lang nakaramdam naman ako
Nang kakaiba pero sulit na totoo
Sana bukas makita ulit kita
Kahit alam ko malabong mangyari ang ganito talaga
Kahit man lang sa panaginip makasama ka
Susulitin ko ang gabi na masaya
No comments:
Post a Comment