Tuesday, July 1, 2014

Luha

Umiiyak ka na naman
lika dito at ikaw ay sumandal
makikinig ako sa iyong mga hinaing
baka may maipayo akong makakapag paluwag ng damdamin

Sadyang pinaglalaruan ka ba ng tadhana
sa karelasyon mo wala kang napala
huwag kang mag alaala marami  pang iba
magbibigay saya at magpapahalaga

Nakwento mo halos mga 3 taon na kayo
nagsama sa saya at hirap , bakit ngayon naglaho
napapamura ka na nga sa nangyari sa buhay mo
sobrang sakit nakikita sa mga mata mo

Naipayo ko sayo na ikaw ay maging matatag
may darating na bagong magbibigay panatag
magtatayo sayo kahit pa ikaw ay nasa lapag
at mag bibigay kulay sa buhay mong bagabag

Luha ay pahiran at magsimula
marami pa dyan ang sa iyo magpapasaya
tumingin ka sa paligid baka
nakakalimutan mong nandito kami kaibigan mong makwela.

Sa bawat hirap mong nararanasan
wag kang mawawalan ng pagasang tatangnan
luha ay tutulo kung kailangan
pero pahirin ito at tumahan

No comments:

Post a Comment