Isang gabi ako ay naglalakad sa malate
Naghahanap ng makakausap na babae
Sa isang kanto napalingon sa kanya
Porcelanang ganda nakakabighani talaga
Alas otso ng gabi ang sarap maglakad
Lalo na pag may nakilala kang hitad
Kutis na napakakinis sarap haplusin
Hindi tuloy ako mapakali , gusto kong kagatin
Niyaya kong kumain dun sa jollibee
Dami nyang tinuro ako ay napa bili
French fries, burger at spaghetti
Coke zero na sobrang nagpapangiti
Habang kumakain, kami ay nagkuwentuhan
Mga bagay bagay na wala naman laman
Napahawak sa aking kamay ng nabigla
Bigla kasing nahulog hawak nyang prada
Ako ay napangiti at biglang nag tanong
Kung pwede kaming mag disco dun sa may kanto
Pumayag naman siya sa aking sinabi
Nagmamadaling umalis baka makasalisi
Habang kami nag sasayaw
Binulungan ko siya , uminom naman tayo wag kang aayaw
Hindi naman tumanggi at nilagok ang bote
Maya maya nag aaya na sa kanyang kotse
Sa kotse pa lang ako ay nabigla
Langya sobra yaman naman pala
Sa kanyang likuran biglang may nagsalita
Takte holdap daw ako ay nabigla
Akala ko makaka isa sa kanya
Yun pala holdaper ang role nya pala
Limas lahat ng pera ko at camera
Iyak umuwi ng bahay na walang dala.
No comments:
Post a Comment