Sunday, July 20, 2014

Basura

Sige tapon tapon mo lang
Mga kalat na masakit sa mata
Darating ang araw babalik din yan
Nang bigla at hindi inaasahan

Plastic na nakakasira
Sa estero eto lagi bumabara
Mga kaugalian hindi matantya
Aakalain mong malinis yun pala burara

Ang mga tinapon mo ng walang kaayusan
Mga basura ng kapabayaan
Gaganti sa atin ng kaarawan
Na yuyurak at magsisilbing burak ng ating tahanan

Hanggang ngayon pa lang pag isipan
Mga aksyon na mag papalugod ng bayan
Pang sariling kagustuhan pag paliban
At nang trahedya ay ating maiwasan

No comments:

Post a Comment