Sa isang apak magsisimula
Ang isang libong o mapa-sampu pa
Ang pagbabagong nais makuha
Sa isang daan apak mararanasan
Mga bagong yugto ng karunungan
Ang pag sibol ng isang kanlungan
Sa isang libong apak madadaanan
Mga taong nagbigay ng tunay na kaligayahan
At pighati sa iyong ginagampanan
Sa sampung libong apak
Natutunan ang bagong galak
Dito na nagsisimulang humalimuyak
Sa isang ikaw
Sa isang daan or libong naliligaw
Mayrong ikaw na bulalakaw
Magnining ning at tatanglaw
No comments:
Post a Comment