Thursday, July 31, 2014

Sa Gabi

umuulan na sa labas ng bahay
gabi na kaya lahat hayahay
sa pag tulog at panonood naka antabay
mga telenovelang corny mandarayang gabay

nilalabas na ang alak sa ref
manonood na lang ng basketball ng ref
na puro luto ang tawag sa laro
alam naman ng lahat kung pano niluluto

Gabing gabi na sa pasilyo
mga manginginom tuwang tuwa at ganado
mamaya-maya aalis at mag didisco
maghahanap ng chicks na mauuto

Alas diyes na pala
kinabukasan may pasok pa
pero ayos lang sa kanila
matupad lang ang mga adhikain nila

Sa gabi makikita mo sila
naglalakad o nakatambay sa madla
nag aabang o nag aalok ng tagay pa
maiingay at madaldal sa bawat gawa

Mag ingat ka baka ikaw ay mapag tripan
halang nilang kaluluwa , hindi aatrasan
kamatayan na hatid ng kanilang
mga makamundong pagnanasa sa sanlibutan

No comments:

Post a Comment