Thursday, July 31, 2014

Pana-Panahon Lang

Panapanahon lang

Isang umagang sisikat ang araw
Sa kabila ng mga pagsisikat matatanaw
Mga balat na sadyang kumikintab
Nangingitim sa araw , makikita ang talab

Sa isang lungkot may isang ngiti
Nag aabang sa luha na tutulo sa pisngi
Matatawa sa saliw ng isang komedya
Magugulat sa dilim ng tinutuya

Maraming salitang aabot sa tingin
Maglalambing sa harap ng salamin
Naka saad ang kahulugan ng atin
Sasayaw ng isang kanta ng dalangin

Uulan ng ginhawa mula sa kalangitan
Magsasaya ang tuyong luhaan
Magpapa ganda ng tanawin sa bayan
Magmamahal ng lubos ang matutunan

Ipagmamalaki ang natutunang kasanayan
Magiging sandata sa lulang daan
Maligayang aagos ang bawat isa
Sa panahon ng kagipitan may pag asa

No comments:

Post a Comment