Naalala ko pa
Nung ako unang kumita
Dito sa balintawak gumala
Sa madaling araw bumibili ng paninda
Sitaw talong okra
Dahon ng ampalaya
Swerte pag may kamatis na kasama
O sibuyas na galing pampanga
Inaabangan ang umaga
Marami kasi pabagsak presyo paninda
Dadalhin sa kalye ng EDSA
Minsan naman sa ibabaw ng tulay ititinda
Bagsakan presyo pag madaming dumating
Dala ng mga byaherong sa probinsya galing
Mapa- baguio, pangasinan o bulacan
Aabangan ang presyong bababa ang puhunan
Kolehiyo na ako nuon
Sa pag kwenta magaling tayo duon
Hindi na kailangan ang calculator
Sa matemateka alam kong i-control
Sa lamig ng madaling araw
Banayad kong tinatanaw
Mga tindero, tindera at byahera
Sana magbigay ng tamang paninda
Pagsapit ng umaga,
Uuwi na ko sa bahay
At papasok sa eskwela
Mag aaral sa bagong buhay
Balintawak
Tumatak
Sa aking pagtahak
Natuto ako at nagalak
Na naging bahagi ako ng isang systema
Na nagtaguyod sa aking panata
No comments:
Post a Comment