Wednesday, January 7, 2015

Batang Makulit


Ayan ka na naman
kinukulit ang lahat ng nadaan
ayaw paawat sa kakulitan
gayong pasaway ka na sa karamihan

nakikipaglaro ngunit nangangaway
silang mga katulad mo na pasaway
magtino tino ka nga bata ka
baka ikaw ay mapalo ng bahagya

ayaw sumunod sa utos ni nanay
tumatakbo pag may ibibilin ikaw ay nasanay
ano ba ang gagawin sayo ng iyong tatay
para naman magtino ang utak mong sablay

sa pag aaral nahuhuli
kaklase laging binubully
alam mo bang bawal ang ganyan
paguwi mo lagot ka sa bahay


No comments:

Post a Comment