wala ka sa aming lugar
kung saan uso ang nabubulgar
kahit saan ka tumingin
maninibago ka sa kakaibang dating
mga babae dito ay pihikan
sa katulad mong modernong wala naman
kala mo ba wala dito ang pagyaman
maraming iba sinasamantala ang kabundukan
ano pa man ang sabihin mo
mapipipi ka lang sa nais mo
makakalimutan mo pati pangalan mo
kung magiging kabilang ka sa lugar na ito
dito sa amin tuwang tuwa
simpleng mundo nagagalak na
pano ikaw na nabuhay sa moderno
magtatagal ka ba sa sitwasyong ganito
hangin dito ay malamig
mga tao ay malambing
kapaligiran ay malinis
mga bunga ay matatamis
No comments:
Post a Comment