Wednesday, January 7, 2015

Paumanhin

Sadyang matalas ata ang salita ko
nakakasugat ng puso
pagpasensyahan nyo na po
hindi na muulit ito

Natatakot na makasakit
nababahala na hindi mawaglit
kahit pa sabihin ng saglit
parang kutsilyo ang galit

nadadarang sa mga nasabi
nagliliyab na sa tabi
sumisigaw ng sandali
napapaisip kung ito ba ay mali

paumanhin sa aking nasabi
pagpapatawad mo ang hiling
na sana ay iyong mabatid
mula sa puso aking paumanhin

No comments:

Post a Comment