sabi nila ok lang ang minsan
pero ang minsan ay nakakasama din
nakakadagdag din ng isipin
dahil ang minsan ay hindi na pwede balikan
sabi nila ok lang ang minsan
minsang madadapa ka at lalaban
minsang masasaktan at tatayo
minsang maniniwala ka at lalayo
sabi nila ok lang ang minsan
sabi ko hindi ganun ang minsan
may min sang masaya at min sang malungkot
na magugulat ka na lang sa hilakbot
nasa sayo ang paniniwala
kung ang minsan ay ok ba
basta manalig ka na lang sa itaas
gagabay siya at ikaw ay ililigtas
No comments:
Post a Comment