Tuesday, June 24, 2014

Sa Pagsapit Ng Umaga

Dali-daling inaabangan ang oras
Sa bawat kalabit ng kamay nababakas
Panibagong pagbabago sa isip at puso

Mga luha'y may hatid na sakit
Kalam ng pagnanasang maibsan ang pait
Sa pagdarasal inuusal ng bawat hikbi
Ang makitang may isang umagang ngingiti

Sa tindi ng pasakit na nararanasan
Lilingon ang bagong pag asang inaasam
Para punan ang patlang ng kahirapan
Upang maging sandigan sa tuwing nangangailangan

Sa pagsapit ng umaga 
Ngingiti ang bawat isa
Babalik ang tiwala
Mananaig ang PinagPala

No comments:

Post a Comment