Pinas :Pagbangon
Luha ay tumutulo at mga mata'y namumugto,
Sa tindi ng hagupit , sa tindi ng sakit
animo'y huling sandali ng pananatili
at dalangin laging sinasambit
Bangon kapatid kaya mo yan
hindi pa huli ang pagbabago sa lahat
titigil din ang luha ng pighati
ngingiti din ang puso sa bawat sandali
Anuman ang dumating na pagsubok
titibay ka at pananalig hindi rurupok
Tatayo ka at mabubuhay sa rurok
ng pagbangon saan mang sulok..
Sa sobrang pahirap na naranasan
titigil ang oras , unti unting malulunasan
mag bubukas ang bagong pinto
na maghahatid ng panibagong tagpo
Sa Diyos manalig at mag dasal
Palakasin ang tiwala sa May Kapal,
Darating ang bukas sa iyong daan
mapapawi ang mga pusong sugatan...
Pinas bumangon ka sa delubyo
dulot ng kalikasang hindi matanto
Pinas manalig ka sa Diyos
Gawin mong matatag ang mga Tao.,
No comments:
Post a Comment