Halik mo nalalasap
sa kabila ng ating paghihirap
uunahan ang mga kulisap
para sayo lang mangusap
Sasamahan ka sa ating tagpuan
hawak ang iyong kamay ,
sabay ng hanging sa ating daanan
samyo ng buhok mong bango ang naibibigay
Kay tagal kong hinintay ang tagpong ito
pinagdadasal na ikaw makapiling ko
makayakap at makasalo
maging bahagi ng aking mundo
Sa wakas nandito ka na
sa may kapal hiling ko'y natupad na
hindi aalis sa tabi mo sa twina
hindi rin pipiliin humanap pa ng iba
Sa wakas nakasama na kita
sa buhay ko dagdag ka at ako'y pinagpala
No comments:
Post a Comment