Ang Puno
Sa dating puntahan naroon ang isang puno
na kasama sa paglalaro,
yakap ang hangin sa lambing ng gabi
at kalaro parati
Itong puno na saksi ang pag lakad,
ng bawat sag lit na banayad,
maalala ang tamis , galak
saya ng bawat halakhak
Ang lilim ng kanyang hatid
sa bawat batang ang paglalaro ay walang patid
masayang kasama ang puno,
sangang walang hanggang nakamasid.
Lumipas ang panahon, ang punong pinaglalaruan ay nabago,
tangkay ay nawala at nagsimulang lumiit ang dulo,
masasayang panahon, ang natitira sa pag usbong
pano ang puno na saksi sa pagyabong..
Alagaan at ingatan ang ating mga puno,
silang kalasag sa bawat hagupit ng bagyo,
tungtungan ng bawat taong umaasa dito
at pagkain ng bawat Pilipino.
*Made this in 20 mins .. for my friends daughter..
No comments:
Post a Comment