Friday, June 13, 2014

Ambizion

Ambizion

Sa pag mulat ng umaga tanaw ang bagong pag asa
Nananabik sa talentong nadarama
eto na ba ang simula

Nagpaka kuba sa trabaho
umiiyak para saan pa titigil din ito
nag titiis magkasakit ng nag iisa
ni walang karamay sa paglunas ng pagdurusa

Ok lang lagi ang sabi ng lahat
pero sa mata nila lungkot at salat
Pera ba dahilan ng pag alis sa tahanan
lungkot amg kapalit at luha hanggang tumahan

Hirap ng pangarap na walang pupuntahan
pagtitiis para lang sa pera ng kaban
nababaliw, natatawa, naiiyak
sa mga balitang sa facetime, skype, ym dinadaan

Hangad ko lang sa iyong pag uwi
maging ligtas ka at magsimula
sa sariling landas na dito ginawa
na dito rin magiging masaya at maginhawa..

No comments:

Post a Comment