Tuesday, June 24, 2014

Kahoy

Kahoy

Nanatiling may mga bagay na hirap alamin
Usalin man ng dasal, wala kang sasambitin
Sadyang kahoy sa paningin
Tanging repleksyon makikita sa salamin

Sing tigas ng hinusgang alab
Karamihan pumupurok ang kalamnan
Pagkatao nakakalimutang sundan
Ng isang dasal na inuusal sa bawat araw na dadaan

Dumarako ang paningin sa karamlan
Nag iisip ng bagay na maaraing tangan
Medyo nakakatawa pangyayari sa nagdaan
Sasaan pa nga ba titigil para sa katotohanan

Yamot ng karungan
Mapag nasang inaasam
Aamuhin ang bawat nilalang
Para sa pansariling kagustuhan

Ang kahoy ay lalambot
Pag ang ulan ay tumama ng hagod
Magiging marupok
Sa pagharap ng bawat pagsubok.

No comments:

Post a Comment