Friday, June 13, 2014

Feb-iBig

Naisip at inspired ako dahil buwan ng Feb-ibig ngayon;

Feb-ibig

Sa pagmulat ng aking mga mata
mga ngiti mo ang nagpaganda 
nagkakulay ang kada-umaga
napapangiti sa aking puso pag katabi ka

Sa iyong walang sawang pag asikaso
pagkain ko sa umaga lalong ganado
kasabay pa ng mga halik mong banayad
na laging nagpapahiwatig , "ingat sa iyong pag pasok"

Malambing mong tinig
nagpapa indak sa aking puso
Sadyang kay palad ko sa piling mo
buhay ko napupuno ng pag-ibig mo

Pangako ikaw na lang
yaring aking mamahalin kailanman
aking pakaiibigin kahit anu pa man
aking ipagtatanggol sa kasamaan

Feb-ibig na nga,
ramdam ko pag ikaw kasama
kahit pa araw ay lumipas
hayaan mo pag-ibig ko sayo hindi kukupas

Salamat sa Diyos ang ikaw nandito
nabigyan ako ng regalong totoo
sa Kanyang hatid sa atin
pagmamahalan natin mananaig

Darating ang mga pagsubok pa
susubukin ang tatag ng bawat isa
basta lagi mong isa-puso
hawak kamay tayong lalaban at tatayo
Upang ang ating mundo ay buong-buo

Iloveyoumahalko Analyn Salang

No comments:

Post a Comment