Naku po!
Ayan na naman ang ulan
Nagpaparamdam sa aking kasuutan
Makatabi muns at ng makasilong
Kukunin ko ang baon kong kapote
Para hindi mabasa sa pag uwe...
Naku po! Hindi ko pala nadala
Paktay susuungin ko malamang ang ulan
Ng walang gamit pananggalang
Bakit naman kasi napanood na sa TV
Pabago bagong panahon mararanasan buong gabi.
Makapag yosi nga muna,
Maulan pa naman, pag uwi pwede na mamaya-maya
Naku po! San na ang lighter ko
Kahit posporo hindi na makita inay ko po
Ayan tumitila na,
Naku po , sumabay na ang baha
Yari na naman ang motor kong honda
Sasalubungin ang baha at dumi ng kalsada
Sana makalagpas sa agos na lumalakas
At ulang ayaw paawat sa ngalit na nababakas
Gusto ko ng makauwi
Makasama ang pamilya sa gabi
Makahigop ng sabaw na luto ng mahal ko
At maramdaman ang halik at yakap na sasalubong sa pag uwi ko.
No comments:
Post a Comment