Pelikula
Kala ko sa pelikula lang nangyayari to
kala ko sa imahinasyon lang gumagalaw to
kala ko hindi masakit ito
pero totoo pala sobra sobrang hirap nito
kailangan ko na sigurong mag move on
unti unti para bumangon
sa nightmare na dinulot ng kahapon
masakit at sadyang nakakalungkot
Gusto ko pagharap ko sayo ok na ko
ung taas noo at may ngiti na sa mundo
hayaan mo muna akong mag nomnom
for sure ititigil ko din ito darating din yun
Umaga na pala, sakit ng mga katawan ko
kasi naman nag motor ang lasinggero
nasemplang , sugat ang mga balat
durog ang motor , mga parte kumalat..
ngayon aking napagtanto
mga kwento un pala totoo
kasinungaling binuo ng mahabang taon
pinaniwala sa putik ng mundo...
Gigising din ako at babangon
magiging ok din ako sa ngayon
matatapos din ito
magiging ok din ako
No comments:
Post a Comment