Friday, June 13, 2014

Hawak

Hawak

Pauwi na galing sa maghapong kayod, 
Dama ang pawis at pagod,
Nakatingin sa malayo , nagmamasid
mga mata'y alerto sa bus na darating

Sinindihan ang yosing nabili sa kanto
Anong oras kaya ako makakauwi nito,
Trapik na, wala pa masakyan sa dami ng pasahero
Siksikan , tulakan, pag minalas may mandurukot na sira ulo..

Dumaan sa tindahan ng prutas pam pasalubong
Tyak na naghihintay ka sa aking pag dating
Hintay lang po , nakapila na ko
sa terminal kahit jeep , darating hindi sigurado

Hawak sa supot na nabili
ganito ba mag hintay , nakaka sawi
kanina pa dapat nakauwi
bwisit na trapik at pila,sumabay pa ngayong gabi..

Naisip ko sana nag motor na lang ako
abala sa pag uwi , naiwasan pa nito
hays, habang tumatagal lalong lumalala
problema sa daan hindi na maapula..

Hawak hawak na lang kung may pag babago
siguro, siguro ... bahala na si batman sa inyo..

No comments:

Post a Comment