Boy
Mukha kang palaboy
San san ka naliligaw
Maligo ka na , sinusundan ka na ng bangaw
Pre
Lagi kang natatameme
Pag inupakan ka ng birong parang tae
Asan na ang angas mong tinatago sa babae
Bro
Istilo mong walang pakulo
Paasa sa iba diskarte mong kuneho
Nakakasawa na ang banat ng natatagong panloloko
Tol
Kahit sa kanino pumapatol
Sa walang laban akala mo makakahol
Aso lang naman ang ugaling ginagamit pang habol
#nganga
Wahahaha tawang nakakatuwa
Tawang nagpapasaya
Tawang nakakayamot talaga!!!!
No comments:
Post a Comment