Ingat
Heto na ang sandali na lilisan ka
mamaalam at lalayo na
Sa loob ng ilang taon mawawalay ka
Tanging dasal at bilin "mag ingat ka"
Mga luha at pangungulila tinatago
Para alala mo , hindi maidala sa dulo
Pero kahit anong kubli at tago
mababakas pa rin sa mga mata ko
Ilang saglit na lang sasakay ka na
hawak ang kamay ko nanlalamig pa
bibitawan na ba kita o maghihintay pa
sana wag ka nang tumuloy ayokong mag isa
Sa mga pangarap na tangan mo
mga dala dalang sakripisyo
mapipigilan ba kita
kung ang hangad mo para sa kinabukasan nating dalawa
Ingat ka, baunin mo ang lakas ng tiwala,
manalig ka, asahan mo may isa
kang babalikan at umaasa..
Pagmamahal ko yayakap sa iyo
sa tuwing maaalala mo
sa tuwing ika'y nalulungkot
Sa tuwing ika'y nababagot...
Ingat ka..
No comments:
Post a Comment