Monday, December 22, 2014

Cara y cruz

nagtitipon na naman sila
Gamit ang tatlong barya
Ihahagis at tatabla
Sigawan maririnig kung panalo ka

Perang inipon ng kay tagal
Sa isang iglap ubos agad
Mapapaisip kung lalago pa
Natitirang kusing at barya

Mapabata ay tumataya
Marami tuloy buhay nasisira
Sadyang ang mga pulis ay wala
Kalokohan lumalala

Ano nga ba magandang maidudulot
Ng paghagis ng barya at pinulot
Sa katunayan maraming natatalo
Wala naman nanalo sa sugal o pakulo

No comments:

Post a Comment