Umagabg kay gandang sinusuyo ng hangin
Matatamis na ngiti, nagbibigay saya sa sarili
Walang makakakuha sa akin ng ganito
Mapag palang puso nagbubuhat sayo
Sa kalangitan sumisilaw ang iyong kasikatan
Problema ko tuloy nakakalimutan ng tuluyan
Mga ningning ng bituin nag papalinaw
Ng katagang nais kong maramdaman tuwing maginaw
Sa tala nagpapahiwatig ang iyong presensya
Tumitingkad sa gabing iniisip kita
Nagbibigay liwanag sa daan kong hindi nakikita
Nag papasarap sa pagtulog sa gabing marangya
Hahawakan ang iyong kamay
Magsisimulang ang mutya ay umalalay
Papasaan ba tayo magiging maligaya
Sasalubungin ang buhay nang may pagmamahal at saya
Ikaw ang mutya ng kalangitan
Nagbibigay ningning sa sanlibutan
Nagtataglay nang kakaibang kinang
Pumupuno sa puso kong kulang
No comments:
Post a Comment