Wednesday, July 23, 2014

Sanayan lang yan

Halika na
Lasing ka na namn ba?
O may hang over , inuman inabot ng umaga

Papasok na tayo
Naka ilang beer ba kayo
Nakalimutan mo bang maligo
Umaamoy ang alak sa pawis mo

Sumakay ka na nga
Kanina ka pa nakatulala
Iaangkas na lang kita
Para sa trabaho, makapasok ng maaga

Takte naman pre
Nag susuka ka na ba dre
Bagong laba at plantsa ang damit ko pre
Hindi mo ba mapigilan, damit ko dumumi

Hay naku man
Hindi ka pala sanay uminom
Sa susunod mag isip isip ka muna
Pwede naman uminom ng sabado ng gabi

Late na tayo
Lagi na lang ganito
Bawas sa sahod
Asahan mo , ikaw ay mapapa talinghod.

Sanayan na lang yan
Matututo din pag naka lamang
Oras ay maiplaplano sa inuman
Magtitira pa ng pang uwi at pang pasok kinabukasan

No comments:

Post a Comment