Kanina ka pa sobrang ingay,
Pagpasok mo pa lang sa gate, para kang kinakatay
Sa kahol mong akala mo kung makaasta, isa ka rin naman sa alalay
Na hindi magkaugapay, upang mapagsilbihan ang among tunay
Nakakairita mga banat at ngiti mo
Hindi ka ba nagsasalamin at ng makita ang totoo
Nakakasira ng mood ang sobrang angal mo
Sa totoo lang, sa dami ng aso , ikaw ang pinaka sugapang loko
Aspiring amo-amohan ba datingan mo
Hindi ka nga marunong sumunod sa tinatanto
Para kang nakuryente o naengkanto
Magtuturo ng ibang aso, pagkakamali iyong tinatago
Nakakaawa ka namang aso
Sunod ka na nga sa amo ,
Pinalaki ka pang uto uto
Pinasunod sa kanilang ginugusto.
Kumahol ka man ng malakas
Magsisigaw ka man hanggang labas
Nabibilang ka lang sa kanilang utusan
Sarap mong idikdik at kutusan.
No comments:
Post a Comment