Thursday, July 3, 2014

Pagbabalik


Naaalala  mo pa ba yung kabataan mong masaya
habang tumutulo ang uhog mo hanggang baba
sa agawan ng base lagi ka pang taya
sa piko , kahit pang babae nakikigaya

sobrang saya, na halos kulang ang buong araw
sa pagpasok sa school , mahilig bumili ng tag pipisong palitaw
kahit sa canteen, makiki share sa mga may baon
sapagkat kulang ang pera, pambili ng mamon

Nung inaway ka dahil sa laruan
inaagaw at inuuwi sa bahay ng iyong kalaro
sumbong sa nanay nya gawain mo 
pag balik sayo alam mo na napalo

Ang sarap balikan ang mga alaala
ng kabataan na nagdaan sa ating gunita
nakaka pangiti kapag napapa isip ka
nagawa mo pala mga bagay na ganun kasi nga bata

Darating ang oras na ikaw ay tatanda
MAnghihina at kukulubot ang mukha
balikan ang kabataan ay sadyang himala
panalangin , sana maibalik man lang
kahit isang oras sa buhay ng nilalang
mga masasayang araw ng pagiging bata
mga makabuluhang oras ng gunita.

No comments:

Post a Comment