Thursday, July 31, 2014

Jeep Style

Jeep style

Nakita ka nakasakay sa jeep
Papuntang buendia , biglang nag beep
Yung driver sumigaw ng malakas
Nag tatawag ng pasahero ng wagas

Ako ay sumakay para masilayan ka
Tumabi kay manang na nagdadasal pa
Pasimpleng tingin sa mukha
Kinikilig at natutuwa

Inabot ko ang bayad
Sinadya ito ilapat
Sa kamay mong malambot
Aking alaga nagkislot kislot

Sa suot mong nakaka tindig
Balahibo, kamay ko'y nagpipintig
Kung aalis ang pera sa palad mo
O kaya hahawakan ang kamay mo

Bumaba ka sa may kanto
Pasaway naman dami tao
Biglang may sumakay na loko
Hinablot bag mo sabay takbo

Hinabol ko naman ang loko
Feeling ko ako ay superhero
Na magliligtas sayo
Sa kagipitan tulad nito

Sobrang bilis ng loko tumakbo
Daig pa ang asong loko loko
Ako ay napagod sa kakahabol
Sobrang layo na pala , nasaan na yung loko

Hindi ko na hinabol pa
Pagod ko kitang kita
Bumalik ako ng hindi nakuha
Nag sorry sayo bigla

Lumisan kang iniwan ako
Tulala sa may kanto
Ano ba nasabi , bakit ka lumayo
Nagulat at napaisip ako

Mula noon hindi na kita nakita
Umaasa pa rin sa bagong umaga
Na sana'y sa pagsakay ay makita
Maihayag ko man lang aking nadarama

No comments:

Post a Comment