Monday, July 21, 2014

Salamat

Habang pinagmamasdan ko
Ang taglay na ganda mo
Naaalala mga binitawang pangako
Na magsasama ng totoo

Pero sa pagsasama nagbago
Pag uugaling maganda biglang naglaho
Mga sinabi mo
Kasinungalingan ang natanto

Iisipin ko pa ba kung hindi na masaya
Pag hiwalay sayo sadyang nakatalaga
Aanhin ko pa ang araw kung kasama ka
Kung puro pait lang ang aking napapala

Lilipas din ang sakit
Hindi na papayag sa pang aakit
Tatala sa araw kung bakit
Tanong na lintang nakadikit

Bibilangin ko pa ba
Mga hirap na iyong dala
Kung ako nga hindi makapunta
Sa daan na may pagpapahalaga

Salamat at nawala ka sa buhay ko
Ako'y natutuwa ng ganito
Ipagpapasalamat mga alaala mo
Na sumugat sa totoong puso ko

No comments:

Post a Comment