Ayan na naman ang mahabang pila pauwi
Walang masakyan dahil rush hour pag gabi
Nakakayamot maghintay sa haba ng pila
Hindi ka man lang makapag yosi ng bahagya
Nasan na ba ang mga jeep
Naipit na naman ba sa trapik
Nagkabuhol buhol na ba sa edsa
Nakakaasar gusto ko ny umuwi sana
Hays lalong humahaba ang pila
May mga bata pang dala
Nag iiyakan na
Ganito talaga pag dukha
Matuto kang makipag siksikan
Makipag tulukan
Magamadali ng lubusan
Hanggang sa may masakyan
Salamat nakasakay na
Sa pag usad ng jeep nabigla
Ang trapik sobra
Anong oras na ba gusto na namin umuwi na
Kelan ba mawawala ang ganito
Lagi na lang trapik sa mundo
Buti pa sila buti pa ang pulitiko
Mag wawang wang lang derederetso
No comments:
Post a Comment