Sunday, July 27, 2014

Sa sayawan

Aking napansin ang ganda mo
Natulala sa kakaibang dating mo
Biglang bumilis tibok ng puso
Ano nga ba ito ?

Dahan dahan lumapit sayo
Pilit inaalam pangalan mo
O makuha ang numero mo
O maihatid ka sa pag uwi mo

Nang biglang may lumapit sayo
Biglang yakap at halik sayo
Ako ay napatigil sa paglapit sayo
Biglang talikod papalayo sayo

Sa mesa aking kinauupuan
Pinagmamasdan ka ng lihiman
Pag aaway nyo bigla kong nasilayan
Ako ay napatayo ng bigla kang inundayan

Agad akong lumapit upang iligtas ka
Sa kamay ng siraulong gala
Ako ay naaawa sa iyong napala
Sana ako na lang ang kayakap mo pala

Laking tuwa ko ng tumakbo ang loko
Sa tindi ng suntok ko bumaon ang kamao
Nilapitan ka at ianlalayan
Niyakap at sabay dasal

Parang sumabay ang panahon sa iyong pag iyak
Tumutulo ang ulan sa bawat indak
Sana nakilala kita ng una sa sayawan
Para maingatan ka at mapag bigyan

No comments:

Post a Comment