Sa tuwina naaalala
Masasayang sandali nating dalawa
Mga yakap na hindi nagsasawa
Mga halik na nagbibigay ginhawa
Sa mga haplos na napaka gaan
Dumudulas sa braso kong nakadagan
Halos lahat ng ito mistulang tula
Nagpapalambot sa pusong gala
Ikaw na ang lahat
Kinukumpleto mo ang araw kahit salat
Wala man kayamanan , pero sapat
Na ang kasama ka, pag ibig na tapat
No comments:
Post a Comment