Thursday, July 3, 2014

Gabi Na Naman

Uwing uwi ka na ba at bakit nagmamadali ka pa
siguro may date ka pang naka-abang sa oras ng paglisan
aangat ang ganda sa paligid ng ilaw
sa tingkad ng make up mo, nakakabaliw

Sabayan mo pa ng kurbadang beywang
kembot na nakakapanindig ng kalamnan
hay sa tingin na lang kita matatanaw
ilan beses ko na bang pinilit lumapit at dumungaw

Darating na ang iyong sundo
san naman kaya kayo magtutungo
kainggit naman ang tsikot ng boyfriend mo
astig sa kulay na ikaw ay naloko

Miss ingat ka dyan, baka sa biglang liko ka dalhin
magdurusa ang puso ko, sa haba ba naman ng gabihin
maraming nagkalat na tuso, manloloko
at magagaling mang uto.

Aabangan na lang kita sa kanto
baka maabutan ko pa hanggang mag alas singko
at nang mapanatag itong damdamin
na kanina pa hindi mapakali sa amin..

No comments:

Post a Comment