Tuesday, April 28, 2015

Bora2015


Nandito na kami
sa haba ng aming byahe
may van, aeroplane, bus at bangka
sa wakas natanaw ko na rin ang bora

mula montalban hanggang visaya
dinayo pa para maging mabongga
ang pagsasaluhan sa init ng araw
kahit pagod na galak lumilitaw

mga picturang sobrang gulo
aabangan ang araw sa pag baba nito
mag popose sa tabi ng dagat
kabila kabila maraming nakabakat

Nandito na kami ng pamilya
walang humpay ang aming saya
sa gastos ay hindi alintana
konting tipid kasi mahal dito talaga

Pasalamat kami sa aming hotel
mayron slang swimming pool
at least sa dagat na puro lumot
Mayo kasi kaya nakakaburot

Hindi na mawari kami ay uuwi na
nakaka-miss maulit ang saya
lahat kami napagod na
maghapon sa beach na tuwang tuwa

Tanggal Init

Halika na sumama ka na
tayo nang lumarga
sa init ng panahon tayo ay magsaya
isama na ang magugulong tropa

Huwag kalimutan mag dala
ng maiinom at machichicha
sa tabi ng dagat tayo ay kakanta
ng malakas at masaya

Ihanda na ang pang swimming
kahit butas na boxer iyong i-bring
basta matuloy lang ang tanggal init
mag lalangoy hanggang dumilim

Magsama ka pa ng iba
yung tipong sexy ang kurbada
para naman may makausap
sa init ay matanggal ng sagad

Halina na at mag tampisaw
tanggalin ang init ng dala ng araw
Halina na at mag saya
ibuhos ang lahat basta kasama ang tropa

Thursday, April 23, 2015

Lasing


Umiinit na naman ang ulo mo
bakit kasi hindi ka magtrabaho
wala naman mapapala ang kagaya mo
kain tulog, sa gabi alak ang katoto

Mag uumaga na pala
wala ka pa sa kama
malamang inabot ka na naman
ng sobrang kalasingan sa daan

Tinanaw ang bintana
nakita ka , pagewang gewang lakad
mga kapitbahay napapatingin
baka kasi bigla ka na naman mahulog sa bangin

Halos wala ka ng iniiisip
sa tropa mo inuubos ang oras
ng maghapon na kakatambay
mahiya ka naman, lumipat ka kaya ng bahay


Natulala

Maghapon sa kalsada
Trabaho na walang sawa
Init ay hindi alintana
Basta lang may mapapala

Tinext ko number mo
Kahit pa bawal sa pagmamaneho
Inaalam kung saan tungo mo
Baka pwede magkita tayo

Bigla kang nag reply
Natapos din ang pag hihintay
Inaya kita na magkape
Sumagot ka bakit kape lang ang libre

Nagmamadali na pumunta ng mall
Medyo nahirapan pa sa parking hall
Mag alis sais na tingin sa phone
Baka nagtext ka na kung dumating dun

Nag abang na sa escalator
Inayos ang sariling gamit at damit
pag baba nakita ang dalaga
ayos ikaw pala ay gumanda

sa kapehan ako'y nakatitig lang
sa iyong mukhang halos hindi tumanda
nag aabang sa ganda ng iyong ngiti
nagpapatulala sa pusong kong pighati

Sana maulit uli
sandaling kasama ka sa kapehan
kwentuhang walang katuturan
tawanang sobrang saya hanggang uwian

Isa Dalawa Tatlo

Isa dalawa tatlo
ang tatay mong kalbo
nahuli na naglalaro
ng apoy ng iyong tito

Isa dalawa tatlo
ang nanay mong inuubo
halos umabot ng dalawang linggo
sakit nya patuloy ang pag durugo

Isa dalawa tatlo
magtago ka na tiyo
hinahanap na ni tiya ang sweldo
naubos ba sa tupada dun sa san mateo

Isa dalawa tatlo
namimili na naman ang pulitiko
ng mumurahing pagkatao
ang karapatan ng bumuboto

Isa dalawa tatlo
maraming nauuto
pangaral ng Diyos ginawang pang goyo
darating din ang oras para sa kanilang palalo

Isa dalawa tatlo
mananahimik na ako
baka dalawin pa ninyo
at isip nyo ay biglang magbago