Sunday, January 14, 2018

Sa panaginip

lagi kang laman ng isip
umaabot hanggang panaginip
lagi kang sinisiksik sa isip
umasa na sa panaginip

Naalala mo pa ba dati
ang kulit ng usapan natin
hindi matatapos tapos na tawanan
ang saya saya ng ating nakaraan

Baon ko kahati ka pa
magsasalo sa pagkaing dala
pagkatapos mag kukuwentuhan ng masasaya
magkakantahan hanggang dumilim na

sa pag uwi mo
ako ay natutuwa
kasi ihahatid kita
kasi gusto kita at puso ko ang saya saya

Ngunit dumating ang oras ng iyong pag alis
iiwanan na ko ng tuluyan
sa iyong pagbalik walang kasiguraduhan
natatakot tuloy ako kung anong patutunguhan

Ngayong lumipas ang maraming taon
parang walang pinagbago

kasi

lagi kang laman ng isip
umaabot hanggang panaginip
lagi kang sinisiksik sa isip
umasa na sa panaginip

Salamat sa panaginip..


Masakit Na

Hindi mo kasi napapansin
masakit na sa damdamin
sa puso ko hindi kayang umamin
sa paglapit mo unti-unting dumidilim

ayoko na makinig sa iba
hindi ko na kaya pang magkunwari
sasabihin ko na,
kasi masakit na..

sa araw araw na ikaw ay nakikita
hindi ko magawang lumapit
kahit ipilit ko na humakbang sa harap mo
bakit hindi ko man lang maabot ang kamay mo

ayoko na umasa pa
hindi ko na kaya , hindi pa
sisigaw ko na,
kasi masakit na..

minsan gagawin ko na
hindi ko na papalampasin pa
sasabihin at isisigaw pa
kasi sobrang sakit na..