Monday, December 30, 2019

Mahal kita

nung mga bata pa tayo
ramdam ko na pagmamahal ko sayo
sinusubuan ka pa ng kendi
kinikilig ako at napapangiti

kalaro kita buong tanghali at gabi
kasama manood ng tv
tawanan na walng patid
ibang hiwaga ang iyong hatid

pag ikaw ay ngumingiti
ramdam ko ang kiliti
pag kamay mo hawak ko na
haysss.. sobrang kong saya

dumating ang araw tumanda na
mga gusto natin ay nag iba
pagmamahal ko ay sinabi ko na
hindi ka makapagsalita, hindi mo nais pala

kung uulit ulit ko bumalik sa pagkabata
nais kong manatili sa ating  pagkabata
pero ang mundo hindi talaga
hindi para sayo at sa akin talaga

Anyare!!!

nagiisip ka kung bakit nangyare ang mga bagay na to
mga katagang namumutawi sa utak mo na sobrang gulo
ginawa mo naman lahat para sa kanya na totoo
bakit unti unting nauubos ka sa tulad nyang manloloko

minahamal mo naman ng sagad sa buto
kahit pag aari mo binigay mo
bakit masakit malaman ang totoo
ang minahal mo pala ay manloloko

tinago mo sa lahat ang kanyang pagkatao
sabi mo mahal mo siya , pipilitin nyang magbago
sinasaktan ka at laging niloloko
mahal mo siya , pero siya hindi totoo

anyare mahal
bakit sa kanya ka pa nagmahal
nandito naman ako
nagmamahal sayo ng totoo