Makalipas ang limang taon
Sadyang ang tagal na pala
huli akong sumulat ng tula
ngayon ko lang naalala
itong pagiging makata
Sadyang kay tagal na
sobrang dami na nawala
kay daming dumagdag na tala
kay dami ding nalusaw bigla
May mga bagay na akala natin ay sapat na
ngunit hindi pa pala
May mga tanong na lumipas na
na kahit hanggang ngayon walang sagot na makuha
Makalipas ng limang taon
eto pa rin nagtatanong
sa buhay nating sobrang saya at gulo
sobrang biyayang totoo.