Saturday, November 22, 2014

Baby factory

Dito sa lugar namin ang daming bata
Ang lahat ang saya saya
Walang pakialam sa oras gumala
Hindi alintana ang pawis sa baba

Naghahanap nagtatakbuhan
Gumugulong sa lansangan
Kahit madumi na ang damit
Tumatayo pa rin sa habulan

Nagtataka lang ako
Bakit kada taon maraming
Nadadagdag sa lansangan
Sila na dumadami sa kalsada

Masyado na atang kulang sa plano
Mga magulang nila hindi na nakuntento
Pagpaparami ng lahi ang bisyo
Kawawa tuloy ang mga bata hindi matuto

Sana magisipp isip din sila
Sa hirap ng buhay ngayon na lumalala
Sa obligasyon dapat ay inaalala
At ng maging maganda ang buhay ng mga bata

Tuesday, November 11, 2014

Bata man sa paningin

bata man sa paningin nila
Ang kahulugan ay naiitindihan na
Hindi kami makikinig lang
Magpapaliwanag kung kailangan

Sa isip naming nahubog ng lansangan
Mga pawis sa loob ng laruan
Mga kwentuhang walang napupuntahan
Mananatili kaming mapagmasid sa iilan

Hindi na kami natatakot
Sa mga paninira dulot ng sigalot
Nasaksihan na namin ang hilakbot
Sa mundong ito na puno ng kurakot

Lalaki din kami at lalaban
Sa pagsubok ng buhay ninuman
Magiging matatag
May pusong masipag

Salakay

Dumadami na naman ang masasama
Sa lansangan nagkakalat sila
Sino ba ang pipigil sa kanila
Wala na yatang pag asa akong nakikita

Si dario kilala sa tambayan
Binaril ng harap harapan
Mga kaanak walang masumbungan
Umiiyak at tumatangis na lang 

Si dario na nagbabagong buhay
Sa munti nakulong sa hinalang panghahalay
Nagpakabuti at ng makasilay
Ng bagong buhay sa mahal nyang tunay

Si karding na tulak sa tambayan
Sinaksak dahil sa drogang inonsehan
Mga dugo nagkalat sa daan
Pati drogang dala sa handaan

Si karding na salot sa lipunan
Pinatay ng kapwa salot ng bayan
Nakakaawang tignan ang mga naiwan
Ngunit sa dami nila walang naabutan

Pano na ang mundo
Kung matitira ang maloloko
Wala ng sinasanto
Lakas nanggagaling sa gantilyo

Friday, November 7, 2014

Minsan pa


tayo na sa kalsada
Lasapin ang saya
Malamig na hanging dala
Magtawanan ng sobra

Magdala ka ng jacket 
Malamig na ang paligid
Giginawin ang litid
Sa kantahan hindi maipit

Minsan pa mag saya
Uminom ng hindi sosobra
Kumanta ng sagana
Magkwento ng nakakatawa


Kurakot

isa kang kurakot
Mukha mo nakakatakot
Sa kapal ng iyong hinakot
Mga katanungan walang sagot

Anong pinaggagawa mo
Dyan sa pwesto mo
Maghapon bang umuupo
Naninita upang mailiko

May araw ka rin
Sisingilin ka rin
Sana malaman mo rin
Minsan lang ang buhay natin

Laganap na ang iyong gawain
Pagtatago mo unting lilinawin
Mag isip ka na habang maaga
Wag ka ng maging pasaway na buwaya