Sa lansangan nagkakalat sila
Sino ba ang pipigil sa kanila
Wala na yatang pag asa akong nakikita
Si dario kilala sa tambayan
Binaril ng harap harapan
Mga kaanak walang masumbungan
Umiiyak at tumatangis na lang
Si dario na nagbabagong buhay
Sa munti nakulong sa hinalang panghahalay
Nagpakabuti at ng makasilay
Ng bagong buhay sa mahal nyang tunay
Si karding na tulak sa tambayan
Sinaksak dahil sa drogang inonsehan
Mga dugo nagkalat sa daan
Pati drogang dala sa handaan
Si karding na salot sa lipunan
Pinatay ng kapwa salot ng bayan
Nakakaawang tignan ang mga naiwan
Ngunit sa dami nila walang naabutan
Pano na ang mundo
Kung matitira ang maloloko
Wala ng sinasanto
Lakas nanggagaling sa gantilyo
No comments:
Post a Comment