Wednesday, August 26, 2015

korapsyon

Hindi ka ba nabubusog tangina ka
inubos mo na lahat ng aming kaya
hindi ka ba nakokonsensya
pinaghirapan namin nanakawin mo pa

Hindi ka ba natatakot
sa karma ay magdudulot
ng walang hanggang sigalot
kasama ang pamilya mo malamang umabot

Mahiya ka naman
korapsyon ay tigilan
Tangina ka naman
Makonsensya ka naman

Bibig mo ay punong puno na
sa korakot , sinusupalpal pa
sa bulsa ang illegal na padala
pero yung maliliit na tao inaapakan pa

Mamamatay ka rin
pera mo mabubulok din
hindi mo madadala sa impyerno
ang lahat ng ninakaw mo


Kape

Hindi makatulog dahil sayo
Hinahanap ka ng buong mundo
instant or 3 in 1 mo
hindi magsasawang sa hatid mo

10 oras na pala akong gising
malamang hinahanap na ako ni misis
bibili muna ako sa starbucks
ng pampagising at pampa relax

Kape na inumin ng Pilipino
sa umaga ito ang kasalo
hatid ay kakaibang ibayo
pampa kalma pa ng ulo

Mapa cold or hot pa yan
basta kape hindi aatrasan
hindi ko kaya kape ay mawala
lalo na sa umagang , sa lamig pampawala

Monday, August 3, 2015

Himbing

Ako ay aalis na ng bahay
pero parang may pumipigil
sa paghakbang patungo sa pinto
napatingin sa pagtulog mong kay himbing

Nilapitan ka
dahang dahang tinitigan pa
mga mata mo na sadyang kay ganda
kahit sa pag tulog , may ngiting dala

Tinabihan kita
oras ay hindi na alintana
kahit pa mapagalitan sa opisina
ayaw kong sayangin ang bawat kabanata

Niyakap kita
Hindi ko kaya atang umalis
ng hindi ka man lang mayakap ng saglit
mahalikan at mahaplos, tuwang abot langit

Tulog ka lang aking anak
hayaan mo na ang tatay nakatabi sayo
babantayan kita hanggang sa pag gising
kasabay ng umagang sobra ang blessing.

Galing ng Pilipino

Ikaw na lumalaban sa ibang lahi
ikaw na nagbigay hustisya sa maraming taon ng pang aapi
Ikaw na nagwagayway ng watawat
hindi man lang sumuko at naging tapat

Pilipino ang tawag sa yo
kinikilala sa buong mundo
nagiging pamantayan ng bago
nagsisilbing haligi sa trabaho

Walang sawang nagpapawis sa init
basta maibigay lahat ng gusto
ng pamilyang naghihintay sa pag uwi mo
nakangiting sasalubong at mamano

Pilipino ka , ikaw ay Pilipino
sinasagupa ang bagyo
inaapakan ang kurakot na pulitiko
naninindigan sa pagiging totoo

Sa galing ng Pilipino
kinikilala sa buong mundo
tayo ay Pilipino
sa isip , sa salita at sa gawa .. Pilipino ako!